Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbagsak ng mga rebelde ramdam na

0 163

Ramdam na ang patuloy na paghina ng mga rebelde bunsod na rin ng pinaigting na kampanya ng gobyerno mula pa noong 2016 at sa maayos na “whole-of-nation approach” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Nabatid na pumalo na sa kabuuang 20,579 ang bilang ng mga nagsisukong rebelde. Bukod pa dito ang pagkakabunyag sa “51 NPA arms caches nationwide” kung saan nakarekober ng 245 mga armas at 100 improvised explosive devices at anti-personnel mines.

“Ang pagkakadikubre sa mga armas na ito ay nagpapatunay na humihina na ang bilang ng NPA, na resulta naman ng pagsisikap ng NTF-ELCAC, at patuloy na military at police operations at maging ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na ‘flagship program’ ng pamahalaan para sa integrasyon ng mga dating CPP-NPA-NDF,” paliwanag ni Defense Undersecretary and Task Force Balik Loob (TFBL) chair Reynaldo Mapagu sa ginanap na balitaan nitong Lunes.

Naging matagumpay aniya ang nasabing bilang ng pagsurender ng mga rebeldeng kumalas sa CPP-NPA-NDF mula nang maluklok si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“It’s our weapon to end the insurgency. At may puwang na para sila ay magbalik as productive citizens,” ani Magpagu.
Iniulat din nito na halos kalahating bilyong piso na ang nagastos ng pamahalaan para sa iba’t ibang programa para sa mga sumusukong mga rebelde.

Katunayan aniya, nitong November 28, kabuuang P485,462,013.90 halaga ng tulong o assistance na ang naibigay sa 6,418 indibidwal na mga sumukong rebelde; 6,164 naman na mga dating rebelde rin ang nakatanggap na ng agarang assistance; 3,744 naman ang nabigyan ng livelihood assistance at 5,198 naman ang tumanggap ng integration assistance habang 1,480 pa ang nabigyan naman ng firearms renumeration o bayad sa mga armas nilang isinuko. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.