Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbagsak ng NPA abot kamay na

0 212

Kabuuang 17,958 mga rebeldeng komunistang-terorista ang naitalang nagsisuko at nagbalik-loob sa pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Duterte, ayon sa ulat ng Task Force Balik Loob (TFBL) sa ilalim ng Department of National Defense (DND).

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Security Adviser (NSA) at National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC), iniulat ni Navy Captain Ferdinand Buscato ng TFBL na nasa 17,958 rebeldeng nagsisuko ay naitala mula noong July 2016 hanggang nitong May 28.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa bilang, 3,684 ay mga “regular members” ng New People’s Army (NPA), 2,039 ay mga militia ng Bayan. Nasa 1,760 naman ay galing sa Underground Mass Organizations (UGMO) ng National Democratic Front (NDF), at 7,074 ay sa iba’t ibang mga tagasuporta ng samahan at ang iba pang 2,789 ay sumasailalim pa sa mga beripikadyon ng Task Force.

Si NTF-ELCAC Vice Chairperson, Secretary at NSA Hermogenes Esperon Jr. ay kinumpirma ang ulat at nagsabing ang mga nalalabi pang NPA guerilla fronts na halos kalahati na lang ay patuloy na humihina dahil sa tuloy na pagsuko ng kanilang mga kasamahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.