Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbagsak ng NPA sa Calabarzon binida ni Duterte

0 130

SA pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Regin 4-A o CALABARZON, ibinida ng pamahalaan na may tatlo na lang natitirang grupo ng New People’s Army o guerilla front sa rehiyon na ito.

Ayon kay National Security Adviser at Vice Chairman of National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Hermogenes Esperon Jr., dalawa sa tatlo na ito ay mahina na ang pwersa.

Nakatakdang bumisita si Pangulong Duterte sa CALABARZON ngayon, October 21 upang personal na tingnan ang resulta ng Barangay Development Program na itinuturing na flagship project ng pamahalang Duterte.

Ang BDP ay pamalit na programa sa mga barangay na wala na sa ilalim ng pamamahala ng NPA at nangangailangan ng pag-unlad. Kasamang bibisita sina Quezon Gov. Danilo Suarez Jr., ilang gabinete, mga opisyal ng NTF-ELCAC at ilang miyembro ng Kongreso.

SM food to go Banner Ad

“As the Vice Chairman of the NTF-ELCAC, it is my honor to convey to the public that the President has emphasized that the key to ending the local communist armed conflict lies in addressing the root causes which entice disgruntled communities into communist terrorism,” ani Esperon.

Ayon kay Esperon, sa Region IV-A, aabot sa 72 proyekto ang maibibigay sa 30 barangay na ngayon ay malaya na sa impluwensiya ng rebeldeng grupo.

Dagdag pa dito, inanunsiyo ni Esperon na may 35 local government units sa Region IV-A ang nagsumite ng resolusyon na nagpapakita ng suporta sa BDP.

Sa ilalam ng BDP, ang bawat barangay na lalaya mula sa galamay ng NPA ay mabibigyan ng P20-milyong halaga ng proyekto gaya ng farm-to-market road; school building; health center; water sanitation at livelihood project.

Leave A Reply

Your email address will not be published.