Abante Tonite Interactive

Pagbagsak ng power plants sinisilip na

105

Sinimulan na ng Department of Energy (DOE) ang pagsilip nito sa nangyaring sunud-sunod na pagbagsak ng ilang power plants na dahilan ng naranasang kakulangan ng power supply.

Ayon sa ahensiya, sini­mulan na ang pagsagawa ng technical audit ng generation, transmission, at distribution facilities sa bansa kaalinsunod na rin sa power plant outages na naranasan sa Luzon.

Sinabi ni DOE spokes­person Felix Fuentebella, nagpadala na umano ng teams ang ahensiya na siyang tumingin sa dalawang­ planta sa Batangas at sa Pagbilao sa Quezon.

May nilagdaan na rin umano ang ahensiya na partnership sa pagitan ng Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE) upang tumulong sa pagsagawa ng kanilang technical audit na wala namang bayad.