Abante Tonite Interactive

Pagbaha ng murang bigas, solusyon sa artificial rice shortage

By
2,863

Naghatag ng iba’t ibang mungkahi ang ilang kongresista para masolusyunan ang di umano’y artipisyal na kakulangan ng supply ng bigas sa bansa.

Naniniwala si House Committee on Agriculture and Food chairman at ANAC-IP Party-list Rep. Jose Panganiban Jr., na madali lang malulutas ng  National Food Authority (NFA) ang problema sa supply ng mababang presyo ng bigas.

Ito aniya ay sa pamamagitan ng pagbaha sa merkado ng iba’t ibang klase ng bigas na abot-kaya ang presyo.

“What we need is for the NFA to stock pile and increased its inventory for cheap rice. Of course, that is, if NFA has the inventory,”­ ayon kay Panganiban.

“We could prevent artificial shortage if NFA has enough supply of cheap rice to flood the market, in that case even if private traders/cartel hoard rice, they could not possibly control the supply because NFA can flood the market with cheap rice,” dagdag nito.

Samantala, ayon naman kay House Committee on Appropriations vice chairman at Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte, dapat nang itigil ng NFA ang polisiya na nagpapahintulot sa private traders na mag-angkat ng bigas.

Dapat aniyang ipaubaya na lang sa NFA ang pagkontrol sa lahat ng binibi­ling bigas sa abroad.

“We need to fix the exis­ting system to shield both farmers and consu­mers from the shady practices of private traders that have left the NFA helpless in carrying out its primary task of ensuring the stability of the price and supply of rice in the market,” sabi ni Villafuerte.