Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbakuna aabutin 11 taon sa bagal – Ping

0 258

Kung hindi magbabago ang kasalukuyang progreso ng pagbabakuna kontra COVID-19, posibleng sa 2033 pa umano maabot ang target na herd immunity sa Pilipinas, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

“Unless we accelerate the pace of vaccination, medyo matatagalan tayo,” sabi ni Lacson kaugnay sa datos na 114,615 pa lang ang nababakunahan sa kasalukuyan.

“At the rate of about 4,000 a day, assuming that the vaccination is not accelerated and assuming we will have the vaccines for the 70 million targeted population for herd immunity, we might not achieve herd immunity until 2033 at the rate we’re doing it now,” aniya sa isang panayam.

“But if we accelerate and I hope the government would accelerate the vaccination rollout, then maybe we can advance the timetable,” dagdag ng senador.

Ayon kay Lacson, kailangang ikonsidera ang supply ng bakuna at hindi lang ang logistics para makaabot ang bakuna sa mga target na indibidwal.

Sabi pa ng senador, maganda naman umano ang pagpapatupad ng parehong curfew sa lahat ng lungsod sa Metro Manila, pero kailangan pa umano na mapaganda ng gobyerno ang pagtugon nito sa pandemya.

“Kung ganoon ang attitude and they already rated themselves as doing an excellent job, hindi na sila mag-i-improve kasi sagad na. So we have a problem if they actually believe it,” wika pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.