Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbakuna sa mga bata `wag katakutan

0 150

Hindi dapat matakot ang mga magulang sa hakbang ng gobyerno na bakunahan laban sa COVID-19 ang mga batang edad lima hanggang 11 taong gulang, ayon sa isang medical expert.

“Ang mga bata talaga ang karaniwan na nagkakaroon ng bakuna para sa mga sakit na nakakatakot. Right now, naunang binigyan ng bakuna ang mga matatanda sapagkat nakita na `yong COVID noong 2020 ay talagang matatanda ang unang nagiging biktima ng COVID,” ani Dr. Lulu Bravo.

Si Bravo ang pangulo ng Philippine Foundation for Vaccination at isa ring pediatrician.

“Talagang kailangan ng mga bata sapagkat natatamaan na rin ng COVID ang mga bata. Kung noon hindi sila madalas kapitan, ngayon nakikita naman with the Omicron marami na ring bata ang naaapektuhan,” dagdag ni Bravo.

Tiniyak ni Bravo na bago ibigay ang isang bakuna, dumadaan ito sa mahigpit na pag-aaral ng mga eksperto at ito ang ginagawa nila para masigurong ligtas ang matuturukan ng mga ito.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.