Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbakuna sa mga kongresista, fake news

0 458

Itinanggi ng liderato ng Kamara ang isang social media post na nagsasabi na kumuha umano ang kapulungan ng libreng AstraZeneca vaccine para ibakuna sa mga kongresista, kanilang pamilya at staff.

Ayon kay Bataan Rep. Jose Enrique ‘Joet’ Garcia III, head ng House vaccination program at vice chairperson ng House committee on health, susunod ang Kamara sa priority list na inilatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“That’s fake news. It is clear to us that we can only be vaccinated once the priority groups are inoculated. We expect the vaccines to arrive in Congress during the second half of the year at the earliest,” ani Garcia.

Ayon sa social media post, kumuha ang Kamara ng bakuna na libreng ipinamimigay ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).

Ang social media post ay may petsang Marso 15 (Lunes) at magaganap umano ang bakunahan ng Martes o Miyerkoles. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.