Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbakuna sa mga marino umarangkada na

0 135

Nagsimula na kahapon ang pagbakuna sa 1,200 marinero na ginawa sa vaccination site sa Palacio de Maynila.

Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang pagsisimula ng vaccination program para sa mga marino gamit ang Pfizer vaccine kontra COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatandaang sinabi ng Association of Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) na nasa 30,000 marino ang nakatakdang magpabakuna ngayong Hunyo upang ligtas na makapaglayag patungo sa ibang panig ng mundo.

Nauna rito ay inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng Pfizer vaccine ang mga marino para na rin makapagpatuloy ng kanilang hanapbuhay ang mga ito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.