Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbakuna sa mga tourism worker arangkada na

0 217

Nasa 67% na ng mga tourism worker sa buong Pilipinas ang bakunado na kontra COVID-19, ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Inihayag ni Puyat sa isang panayam kahapon na ilan sa mga tourist spot na umarangkada sa pagbakuna ay sa Boracay Island at Baguio City.

“`Yong Boracay malapit na mag-100% vaccination, including tourism workers plus residents. Kung first dose pa lang naka-96.71% na tayo sa tourism workers, kung kasama ang residents, 88.26% so probably fully-vaccinated na ito in two to three weeks,” ani Puyat.

Sa Baguio City naman ay 100% na rin umano ng mga tourism worker ang bakunado na laban sa virus.

Ayon kay Puyat, patuloy nilang gagawing prayoridad ang mga tourism worker mula sa mga pangunahing destinasyon sa Pilipinas. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.