Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbakuna sa PSG proteksyon kay Duterte

0 79

Para sa kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pagpapabakuna ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG).

Ito ang inihayag ni PSG commander Brigadier General Jesus Durante III matapos ihayag ng Pangulo na nabigyan na ng COVID-19 bakuna ang mga sundalo.

Sinabi ni Durante na ang PSG ang tanging unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbabantay at nagbibigay ng proteksiyon sa Pangulo kaya tinitiyak lamang nila na hindi sila ang magiging banta sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang commander-in-chief.

Sinabi ni Durante na mga close-in security ni Pangulong Duterte ang mga unang nabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

“With the current pandemic, PSG needs to ensure that they are not themselves threat to the President’s health and safety,” ani Durante.

Sinabi pa ng opisyal na mandato nila na tiyakin ang kaligtasan ng Pangulo sa lahat ng uri ng panganib, lalo na ang COVID-19 para mapanatili ang katatagan ng bansa.

Pangunahin aniyang responsibilidad ng PSG na tiyaking mayroong malusog na Pangulo na nagsisilbi sa bayan araw-araw.

“We are in a state of war, war against COVID-19. War compels us to survive as what we are now doing in this pandemic. As such, PSG exploits all means in order to deliver its mandate as what is highly expected of them by the Filipino people,” dagdag pa ni Durante.

Tumanggi namang magbigay ng detalye ang PSG Chief sa tinurok na bakuna sa kanyang mga tauhan dahil ang isinaalang-alang aniya nila ay ang kanilang mandato na protektahan ang Pangulo.

“PSG’s decision to take the risk is a courageous step that greatly supports its mandate. We did it not for personal agenda but on a greater pursuit that is even way beyond our mission of protecting our President,” wika pa ni Durante. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.