Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbaliktad ni Pharmally exec Mago may kumpas – Senado

0 110

Hinala ni Senador Risa Hontiveros na mayroong makapangyarihang puwersa sa likod ng biglang pagbaliktad ni Pharmally Pharmaceutical Corporation executive Krizle Grace Mago sa nauna nitong testimonya sa Blue Ribbon Committee na dinoktor umano ng kompanya ang mga face shield na binili ng pamahalaan.

Sa isang pahayag ni Hontiveros kahapon, pinaalala nito na nanumpa si Mago nang magsalita sa pagdinig ng Senado at diretsahan nitong sinagot ang mga ibinatong katanungan sa kanya.

“Kung mayroon mang nagpe-pressure sa kanya, ` yan siguro ay isang napakamakapangyarihang puwersa para lang bawiin ang kanyang mga naunang sinabi sa amin,” ayon kay Hontiveros.

Kaugnay ito sa sinabi ni Mago sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability kahapon na na-pressure umano siyang sumagot sa pagtatanong ng Senado.

Nanindigan naman si Hontiveros na may Senate transcript at video ang pagdinig.

“Una, inamin ni Ms. Mago na pinapalitan nila ang production year certificates. She even said, “that’s something I cannot deny.” Itinuro pa nga nya si Mohit Dargani, saying she was “only following instructions”,” ani Hontiveros.

Leave A Reply

Your email address will not be published.