Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbangon sa COVID ilalahad ng DOF

0 436

Ilalatag ngayong linggong ito ng mga economic at infrastructure team ng pamahalaan ang plano nito para sa pagbangon ng ekonomiya pagkatapos ng pandemya sa COVID-19 bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pangungunahan ng mga economic manager ni Pangulong Duterte ang virtual pre-SONA forum na gaganapin sa Hulyo 8.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Finance Assistant Secretary Antonio Lambino II, mahalagang panoorin ito ng mga Pilipino dahil tatalakayin ng mga top decision-maker ng bansa ang mga plano para sa mabilis na pagbangon ng ekonomiya mula sa krisis na dulot ng COVID-19.

Mapapanood ito sa Facebook page ng Department of Finance (DOF) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH). (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.