Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbangon sa COVID laman ng SONA ni Duterte – Roque

0 237

Tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang plano ng gobyerno para makabangon ang bansa sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

“He will be presenting now a roadmap for recovery which the economic team has not unveiled yet and I think the reason is they want to unveil it in the SONA itself and many fora after the SONA,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa panayam ng CNN Philippines.

Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Roque hinggl sa sinasabi nitong recovery plan na ilalatag ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA sa July 27.

Sa kabila ng banta ng COVID-19, nagpasya ang Pangulo na personal na dumalo sa kanyang SONA na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Ayon kay Roque, inaasahang tatalakayin ni Pangulong Duterte ang mga detalye hinggil sa mga ginawang tugon ng gobyerno para labanan ang COVID-19 pandemic sa bansa at kung ano ang mga plano para makabangon sa krisis na dulot ng pandemya.

“There is no other problem as big as [Covid-19] right now,” ani Roque. “The President will summarize the effects of the [Covid-19] pandemic as well as the responses of the government and the way forward on how the

government will actually approach this problem.”(PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.