Abante Tonite Interactive

Pagbasura ng excise tax sa langis posible pa

By
0 32

Bukas ang ilang senador sa pagtalakay ng mga kongresista sa panukalang magbabasura o magsususpinde sa excise tax sa produktong petrolyo.

Sinabi ni Senador Koko Pimentel na dapat na maging leksyon na sa lahat na mahirap magpataw ng buwis sa hindi nakokontrol na presyo.

“Let this be a lesson to all of us: it is very difficult to impose an excise tax on an item whose price is unstable and very volatile, and completely beyond our control and even our influence whatsoever,” saad ni Pimentel.

Itinuturing naman na good news nina Senador Bam Aquino, Senador Sonny Angara at Senador Win Gat­chalian ang aksyon ng Kamara na rebyuhin na ang panukala para sa suspensyon o pagbasura sa excise tax.

Iginiit ng tatlong senador na sa pamamagitan ng pagtala­kay na ito sa Kamara ay marerebisa na ang negatibo at positibong epekto ng excise tax sa produktong petrolyo.