Abante Tonite Interactive

Pagbawas ng timbang

303

Feeling mo ba ay lumaki ka? Bumigat ang iyong timbang? Conscious ka na ba dahil medyo lumaki ang iyong shape? Ang pinakainiiwasan ng marami lalo na ng mga babae ay ang madagdagan ang kanilang timbang. Isa lang ang pinakasagot sa tamang pagbabawas ng timbang. Ito ay disiplina! Sa kahit ano mang bagay ang gusto makamtan o makamit, disiplina ang panguna­hing sangkap. Ipangako sa sarili na kaya mong gawin nang may disiplina, tiyaga at dedikasyon ang pagbawas ng timbang. Ano nga ba ang pangunahing dahilan kung bakit nadaragdagan ang timbang? Isa na ang sobrang pagkain ng matatabang pagkain. Kaya ito ang ilang tamang paraan sa pagbabawas ng timbang.

1. Exercise – Sunugin ang calories na nasa iyong katawan. Mag-ehersisyo ng mga programang pampapayat 1 o 2 oras araw-araw. Napapanatili rin nito na maging malakas ang ating katawan.

2. No to junk foods – Ang junk foods ay nakapagbibigay ng calories sa katawan. Kung desidido talagang magbawas ng timbang, simula ngayon ay iwasan na ang pagkain ng junk foods.

3. No to carbonated drinks – Ang bottled juices at soft drinks ay mataas ang calorie kaya malaki ang nadaragdag nito sa iyong timbang. Mas mainam na tubig na lang ang inumin at maganda pa ito sa kalusugan. O maaaring gumawa ng juice mula sa natural na prutas.

4. Pagkain ng gulay – Kung ikaw ay hindi kumakain ng gulay, pwes, gawing regular na ang pagkain nito. Ang bita­mina at protina na makukuha sa pagkain ng gulay ay magbibigay ng magandang kalusugan sa iyong katawan.

5. Pagkain ng prutas – Kumain ng prutas araw-araw. Ang prutas ay mara­ming benepisyo kagaya ng gulay. Mababa ang calorie ng prutas at mara­ming sustansya. Ang pagkain ng prutas ay tiyak na makakatulong sa pagbabawas ng timbang.

6. Asukal – Iwasan ang paggamit ng asukal dahil ito ay nagbibigay ng extrang taba sa katawan.

7. Bawasan ang maaalat – Nakakapagpataba rin ang maaalat na pagkain. Ayon sa pag-aaral, ang sobrang sodium ay nakakadagdag ng timbang.

8. Herbal tea – May antioxidants na taglay ang herbal tea na tumutulong sa pagsunog ng taba sa katawan.

9. Maging masipag – Hangga’t maaari ay maglakad-lakad. Kung sakaling nasa mall, gamitin ang hagdan. Bigyan ng oras ang paglalakad-lakad sa inyong lugar. Makatutulong ito sa iyong goal na mabawasan ang timbang. Ang mga tips na ito ay unti-unting makakatulong sa pagbaba ng timbang. Maging matiyaga upang makamit ang fit na body.