Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbida ni Booker nag-trending

0 307

‘Di lang ang winning shot ni Devin Booker na nag-alpas sa Phoenix Suns kontra Los Angeles Clippers sa overtime, 117-115, nitong Martes ang trending social media.

Naging maingay ang pangalan ng NBA cager sa buzzer-beater nang ikutan at gawing asintahan si Paul George bago siya napahilata at dinumog ng teammates .

Ang pagkasalampak ang isa patok sa socmed, pati ang posts nasa ibabaw siya ng mundo at ng burger na nagre-relax. Ang Suns Twitter ginawa ring default photo iyon. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.