Abante Tonite Interactive

Pagbigti ng tatay pinanood sa 6-anyos

443

Nagsisigaw sa labis na takot habang umiiyak ang 6-an­yos na babae nang mapanood nito ang pagbibigti ng ama sa harap mismo nito sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni P/Lt. Roldan Dapat, ng Cri­minal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang nagbigting itinago sa pangalang Romy, 48, may-asawa, construction worker, tubong Leyte at taga-Brgy. Santa Lucia, Novaliches.

Sa pahayag ni Bernard, anak ng biktima kay P/Corp.Rodney Bay-os, ng CIDU-QCPD, alas-6:50 ng gabi ay narinig niyang nagsisigaw ang batang kapatid.

Nang puntahan ay natulala nang makitang nakabigti sa kisame ang ama.

Tumanggi namang paimbestigahan ng pamilya ang insidente dahil kumbinsido silang nagpakamatay ang biktima. (Dolly Cabreza)