Abante Tonite Interactive

Pagbili ng PNP ng P1.89B patrol car pinabubusisi ni Poe

1,865

Naghain na ng resolusyon si Senador Grace Poe para paimbestigahan sa Senate Blue Ribbon Committee at Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang sinasabing iregularidad sa pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng patrol vehicle na Mahindra na nagkakahalaga ng P1.89 billion.

Sa Senate Resolution 777, sinabi ni Poe na nakompromiso ang seguridad ng pulisya dahil sa kapalpakan sa Mahindra scorpion vehicle project.

“The damage done by the lemon Mahindras compromised security, crippled the police and left citizens vulnerable,” saad ni Poe sa kanyang re­solusyon.

Iginiit ng senador na dapat tingnan ang mga naging paglabag ng mga nagsulong at nag-apruba ng kontrata para hindi na maulit ang naturang ano­malya.

Kasama sa mga hiniling ni Poe na ipatawag sa pagdinig sina dating Interior Secretary Mar Roxas at da­ting PNP Chief Alan Purisima.

Una nang sinabi ng Commission on Audit (COA) na nakitaan ng iregularidad at ano­malya ang kontrata.