Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbisita sa mga preso hihigpitan

0 118

Magpapatupad ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng ‘no contact visitation’ para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay BJMP Spokesperson Chief Insp. Xavier Solda, pinaghahandaan na nila ngayon ang granular opening ng muling pagpapatupad ng no contact visitation sa PDLs, na nangangahulugang maaari nang tumanggap ng dalaw ang mga preso na nasa mga lugar na low-risk sa COVID-19.

“Ibig po sabihin niyan, ‘yung mga pasilidad natin na nasa low-risk areas at may pasilidad na or area na for non-contact visitation ay papayagan nang magkaroon ng dalaw kaya lamang po may ibang kondisyon,” ani Solda, Linggo.

“Ang magiging sistema natin sa jail ay isang pamilya lamang ang papayagan sa mga dadalaw. Bawal muna ang mga bata at hanggang isang oras lamang po ang papayagan na oras ng dalaw,” dagdag niya.

Dapat aniyang magdala ang mga bisita ng valid government-issued IDs at vaccination cards at dapat maghintay ng visiting schedule. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.