Abante Tonite Interactive

Pagbisita sa ‘Museo de Intramuros’ libre

381

ANONG GANAP

Isang bagong pasyalan ang tiyak na papatok sa mga Pilipino at sa mga dayuhan.

Ito ay ang bagong bukas na Museo de Intramuros na matatagpuan sa ginagawang San Ignacio Church at Mission House of the Society of Jesus sa Intramuros.

Opisyal itong binuksan nakaraang linggo at ang good news sa bagong bukas na museo ay libre ito sa loob ng anim na buwan.

Bukas ang museo ng Martes hanggang Biyernes mula alas-9:00 nang umaga hanggang alas-5:00 nang hapon.

Ang museo ay mayroong anim na section, kabilang dito ang Immaculate Conception, Religious Order, Patronato Real at pagkakatatag ng Parishes, Religious Colonial Paintings, parish and sacred vessels, at Indio Response. Makikita rin dito ang iba’t ibang uri ng artwork katulad ng mga painting, sculpture, at mga antique.

Ayon kay Intramuros Administration Chief Guiller Asido, halos 40-taon pinplano ang pagtatayo ng museo.