Abante Tonite Interactive

Pagbisita sa Pag-asa Island walang nilabag na batas

By
5

Matapos umangal ang China sa ginawang pagbisita ng defense at military officials ng Pilipinas sa Pag-asa Island noong Biyernes, nanindigan naman ang Malacañang nitong Linggo na walang nilabag na batas sa ginawa ng mga opisyales ng bansa.

Nanindigan si Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang bini­sitang isla ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at ng matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay bahagi ng lalawigan ng Palawan

“The visit of the ­Department of National Defense and the Armed Forces of the Philippines to Pag-asa Island is part of the efforts to improve the safety, welfare, livelihood of Filipinos residing and living in the municipality of Kalayaan which is part of the province of Palawan,” diin ni Abella.

Aniya, matagal na ring ginagawa ng defense at military officials ang pagbisita sa naturang isla at wala silang nilalabag kahit na sa international law.

“The Philippines has long been ­undertaking customary and routine maritime patrol and over flight in the West ­Philippine Sea which are lawful activities ­under international law.

Such flights will likewise ­enable us to reach our municipality,” katuwiran pa nito.