Abante Tonite Interactive

Pagbitaw ni Ai Ai sa Ex Battalion: ‘Kung natuwa sila, eh ‘di mas natuwa ako’

630

AiNi ang couple name nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani, na magkatambal for the first time sa pelikulang “Feelennial (Feeling Millennial)” na produced ni Pops Fernandez.

Hirit tuloy ni Bayani, para sa magsasaka raw ang love team nila dahil masaganang ‘AiNi’ (ani). Sey ni Ai Ai, ang pangit naman kasi kung AiBa o BaAi, so AiNi na lang.

In fairness ay nasabi raw ni Ai Ai sa sarili niya na meron na siyang bagong ka-love team sa big screen nang makita niya ang chemistry nila ni Baya­ni sa movie.

Aniya, ‘yung closeness at ‘yung puso bilang love team ay nakita niya sa tandem nila ni Vic Sotto. Ngayon ay nakita niya rin ‘yon kay Bayani, na kahit ganu’n sila ay puwede pa rin silang mag-love team.

“Siyempre, nandiyan pa rin si Bossing, dalawa sila. ‘Pag napanood mo kasi ‘yung pelikula namin ni Bayani, makikita mo na parang may kilig factor.

“Tapos, ‘yung chemistry namin, nagra-radiate talaga ‘yung pagkakaibigan at pagmamahalan namin. Kasi, matagal na kaming magkaibigan,” sey ng Comedy Queen.

May halikan ba sila ni Yani sa movie?

“Meron. Ha! Ha! Ha! Marami.”

Gaano ka-intense?

“Hindi naman. Kyut-kyut lang.”

Hirit ni Bayani, “Pakyut lang. Hindi naman bagay na sa edad namin na nagto-torrid pa.”

“Oo, huwag naman gano’n,” pagsang-ayon ni Ai Ai.

Sobrang natawa raw sila nu’ng sinu-shoot nila ang kissing scenes nila. Ang dami raw nilang bloopers na nakakatawa.

Na-miss daw ni Ms. Ai ‘yung ganitong pelikula na may partner siya. Lagi kasing nanay siya, so maganda raw na may kalabtim naman siya.

Ayaw pag-usapan ni Ai Ai ‘yung pinost niya sa social media na may nanloko sa kanya sa negosyo. Huwag na raw ‘yon at saka naayos na raw ito.

Doon naman sa balitang natuwa ang mga miyembro ng Ex Battalion nang mag-quit siya bilang manager ng mga ito, ang reaksyon niya ay, “Okey lang. Kung natuwa sila, eh ‘di mas natuwa ako! Ha! Ha! Ha!”

Hindi ba siya na-hurt na after ng lahat ng ginawa niya para sa grupo, nagpasalamat pa raw ang mga ito na bumitaw na siya?

“Hindi ako na-hurt. Ako pa ba mahi-hurt? Hayaan mo na. May mga bagay na ipasa-Diyos na lang natin.

“Ano pang e-expect-in mo, ‘di ba? ‘Yun na nga ‘yung ginawa nila sa akin eh, mag-e-expect ka pa ba ng maganda? Alam mo na ‘yon na kung ano ‘yung ugali, ‘yun pa rin ‘yon. Hindi na mababago ‘yon overnight.”
***

Coco, Jennylyn, Ai Ai sanib-puwersa sa MMFF

Masayang ibinalita naman ng Reyna ng Komedya na makakasama niya sina Coco Martin at Jennylyn Mercado sa isang action-comedy movie na pang-MMFF 2019.

Si Coco raw ang producer at direktor nito. Natuwa si Ai Ai dahil first time niyang makakatrabaho si Coco. Excited din siya na babalik siya sa MMFF dahil ang huli niya ay “My Bebe Love” pa nu’ng 2015.

Mommy pala ang tawag sa kanya ni Coco, na katrabaho ng anak niyang si Sancho sa “Ang Probinsyano.”

Masipag at mabait na bata raw ang pagkakilala niya kay Coco. Nagulat siya na ito mismo ang tumawag sa kanya para sa filmfest movie na gagawin nila.
Ka-love triangle ba niya sina Coco at Jennylyn sa movie?

“Bahala na. Love triangle o nanay ko si Jennylyn. Ha! Ha! Ha! Para maiba naman.”

Actually, sakto ‘yung Mommy Ai na tawag sa kanya ni Coco dahil nanay daw siya nito sa gagawin nilang pelikula.

Pero bago ‘yon ay ito munang “Feelennial” nila ni Bayani sa June 19, na may cameo raw ang pamilya ni Ai Ai kasama pati ang millennial husband niyang si Gerald Sibayan.