Abante Tonite Interactive

Pagbubukas ng Boracay sa Oktubre, mabibitin

1,139

Nag-aalala ang mga kongresista na mabitin ang pagbubukas ng ­Boracay sa Oktubre.

Nauna nang ipina­ngako ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na sa Oktubre 26 ay bubuksan na ang tanyag na isla na patok na destinasyon ng mga turista.

Sa pagdinig ng House committee on natural resources kahapon ay tina­lakay kung ano na ang lagay ng isinasagawang rehabilitasyon ng Boracay na matatagpuan sa Aklan.

Nasita ng mga kongresista ang kawalan ng plano para maayos ang mga problema sa isla.

“With due respect. We had an on-site hearing last June 1 and all of the stakeholders were present. One of the questions was really, the absence of a comprehensive action plan. And I think the stakeholders, the residents, the investors, even NGOs (non-government organizations) are asking,” pag-uurirat ng chairman ng komite na si LPGMA Party-List Rep. Arnel Ty.

Kabilang sa mga inimbitahan sa pagdinig ay mga opisyal ng DENR at Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG).

Ang dalawang kagawaran ay bahagi ng Boracay inter-agency rehab task force na naunang binuo ni Pangulong ­Rodrigo Duterte.

Sang-ayon naman si ACT Teachers Rep. France Castro na malamang ay hindi umabot sa target na petsa ang muling pagbubukas ng isla.