Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbubukas ng mga sinehan pinigil

0 42

Pinatigil ng economic team ng Inter – Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila.

“The economic team of IATF has allowed to defer the implementation regarding the opening of cinemas in the metropolis,” ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council matapos ang diskusyon sa mga miyembro ng IATF.

Ayon kay Olivarez, hindi pabor ang lahat ng mga mayor ng Metro Manila sa rekomendasyon sa pagbubukas ng mga sinehan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) dahil hindi umano dumaan ito sa tamang konsultasyon.

Tinukoy pa nito na tanging mga local government units sa Metro Manila ang nakonsulta ng IATF hinggil sa isyu. Gayunman, bigo ang task force na kausapin ang mga mayor para sa detalyadong hakbang sa balik operasyon ng mga sinehan.

Nakaabot na sa kaalaman ni Olivarez na nag-isyu ng executive order si Marikina Mayor Marcelino Teodoro na nagpapatigil sa pagbubukas ng mga sinehan sa kalunsuran sakaling hindi pigilan ng IATF ang implementasyon.

Bukod kay Teodoro, marami pang alkalde ang tutol sa nasabing halbang dahil sa katwiran na delikado at kulob ang mga sinehan bukod pa sa tumatagal ng mahigit 30 minuto ang mga palabas na posibleng maging mitsa para mas kumalat ang COVID-19.

“Besides this, coronavirus pandemic continues to rage not only in Metro Manila but also in several cities and provinces,” paliwanag ni Olivarez.

SM food to go Banner Ad

Kasalukuyang nasa ilalim ng GCQ ang NCR na magtatagal hanggang Pebrero 28.

Ipinaliwanag ni Olivarez na suportado ng MMC ang pagbubukas ng ekonomiya subalit hindi dapat masakripisyo ang mga health protocol.

Nag-aalala din ang MMC chairman sa pagbubukas ng mga video arcade na delikado sa pagkalat ng virus.

Nagpasalamat din ito kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa suportang binigay sa naging esisyon ng Metro Manila mayor.

“Let’s see, let’s take it slow if there’s no spike in cases. What’s scary is if there will be a spike. It would be difficult to go back. The vaccine is almost here,” sabi pa ni Abalos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.