Abante Tonite Interactive

Pagbubuntis ng magandang aktres nagsimula sa biruan

892

No, thanks!
Cristy Fermin

Kapag tumaba ang artista ay agad nang pagbibintangang nagdadalantao. Kapag pumayat naman ay kasunod na agad ang kuwentong nagpalaglag, ipinatanggal ang binhi sa sinapupunan, kaya nanga-yayat.

Walang pupuntahan ang artista kumaliwa man siya at kumanan dahil may masasabi at masasabi pa rin ang mga miron sa kanyang sitwasyon.

May kuwentong nakarating sa aming source na ang pinagmulan ng istoryang nagdalantao at nawala ang dinadala ng isang magandang young actress ay nagsimula lang sa mga biruan. Joke lang.

Kuwento ng source, “Ano ‘yun, mga biruan lang ng mga artista na wala lang. Nangangarap din naman siyempre silang magkaroon ng sa-riling pamilya, ‘di ba?

“Alangan namang mag-aartista na lang sila sa buong buhay nila, gusto rin naman siyempre nilang magkaroon ng masayang pamilya!

“E, nagsalin-salin na ng bibig ang mga ganu’ng kuwentuhan, hanggang sa kumalat na, hanggang sa narinig siguro ng ibang tao at nakarating sa kung sinu-sino!

“Ayun, lumaki na ang istorya, ipinakalat pa, samantalang sa biruan lang naman ‘yun nagsi-mula,” unang kuwento ng aming impormante.

Naalala tuloy ng aming source ang kuwento nu’n tungkol sa isang young female personality na nakaladkad din ang pangalan tungkol sa pagpapa-abort.

Ang sabi ng impormante, “Nu’ng kasikatan ng isang female personality, e, napabalita ring nagpa-abort siya. Galit na galit siyempre ang family niya, kakasuhan nila ang nagpakalat ng kuwento, dahil hindi naman kasi totoo ‘yun! Maitatago ba naman kasi ang ganu’n?

“Ipagpalagay nang kakuntsaba ng family ng artista ang mga doktor at nurses, paano ang iba pang nagtatrabaho sa ospital? Ang janitor na nagtapon ng mga ginamit sa pagpapalaglag, maitatago ba naman sa kanila ‘yun, ‘di ba?

“Maselan ang kuwentong ganu’n, kailangang may ebidensiya talaga, dahil kung wala, sa korte talaga ang ending nu’n!” pagtatapos ng aming source.

Vice nanlambot sa ‘Idol PH’

Masayang-masaya siyempre ang mga suking tagapanood ng It’s Showtime dahil bumalik na sa noontime show ang kanilang idolong si Vice Ganda.

Sabi nga ng isang kaibigan namin, “Hindi niya naman dala-dala ang mga microphone sa pagkawala niya, pero bakit kulang na kulang ang show kapag wala siya du’n? Hindi naman sa minemenos natin ang mga co-hosts niya, pero talagang kulang na kulang ang show kapag wala si Vice,” opinyon ng a-ming kaibigan.

Nakakaantok kasi ang pananghalian, katatapos lang kumain ng manonood, nag-iimbita ng antok at pahinga ang ganu’ng oras. Kailangang-kailangan talaga ang host na katulad ni Vice Ganda sa ganu’ng panahon.

Kung lalatoy-latoy ang mga hosts ay makakatulog ang nakatutok, isang makulit na host ang kailangang nandu’n, ang buhay na buhay na paghawak sa mikropono ni Vice Ganda.

Pero hindi nga puwedeng kahit maysakit si Vice ay magre-report siya sa show, bago pala siya naospital ay lambot na lambot na ang komedyante, kaya sa taping ng Idol Philippines ay hindi siya gaanong humihirit sa pagkokomento.

Sa ganu’n kaabalang personalidad ay ospital agad ang kailangan, hindi puwede ang gamutan sa bahay lang, dahil mapapahaba ang kanyang pagpapagaling.

Umarangkada na kahapon ang P2P (point to point) bus mula sa Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan papunta sa Trinoma. Medyo nagkaroon ng delay ang biyahe dahil sa paradahan ng mga bus na hindi pa tuyo at matibay ang pagkakagawa.

Pero kahapon ay nagsimula na ang biyahe, sa Balagtas Bypass ang kanilang ruta, kinukuha lang nang isang oras at kalahati ng bus ang biyahe hanggang Trinoma.

Tatlong salin pala nu’n ang mga taga-Pandi. Tricycle muna, jeep pagkatapos, saka bus na mula sa Sta. Maria, Bulacan ang kanilang sinasakyan papunta sa Quezon City. Inaabot sila nang mahigit na dalawang oras sa kalye.

Ang proyektong ito ay matagal nang pangarap ni Mayor Enrico Roque para sa mga Pandienos. Gusto niyang mabigyan ng kaginhawahan ang kanyang mga kababayang nagtatrabaho pa sa malalayong lugar.

May labinglimang bus pang parating para magserbisyo sa mga Pandieno, napakalaking ginhawa nito para sa kanila, isandaang piso ang unang bayad sa pagsisimula ng P2P bus.