Abante Tonite Interactive

Pagbubuntis ni Son Ye-jin kabalastugan

693

Halos mahigit isang Linggo na nang mag-finale ang k-drama na Crash Landing on You, pero hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ito.

Pinagbidahan at kinakiligan ito ng karamihang k-drama addicts na sina Hyun Bin at Son Ye Jin.

May fan na binigyan ng malisya o gumawa ng kuwento dahil sa ilang bts (behind-the-scene) pictures ng dalawa. Naglabas kasi ang tvN ng ilang larawan at may caption pa na, “Next day, the year after that will also be good days, because ‘Crash Landing on You’ will be thinking of you.”

Base raw kasi sa suot nito, parang preggy at sa caption ng tvN.

Nagkaroon na ng speculation sa online sites na may continui­ty ang drama Nagpakasal na raw ang mga character ng dalawa at nagkaroon ng anak.

Nagpa-flood ng mga theories ng fans ng drama ang social media account ng tvN at ng drama mismo.

Dahil dito, noong February 23, may source mula sa Crash Landing on You ang nagpatigil sa balita.

Nagpahayag ito sa OSEN, “I think this [the photos leading to speculations about Yoon Se Ri’s pregnancy] is something that came about simply because viewers have a lot of interest in the drama. It’s nonsense.”

Sa isang banda, mukhang hindi tinanggap ng positibo ng ilang netizen ang naging pahayag ng source mula sa drama.

Sey ng mga ito, bakit daw kailangan pa nitong mag-react.