Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbukas ng mga sinehan sa NCR hinirit

0 57

Pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang panawagang buksan na ang mga sinehan sa National Capital Region (NCR) kahit nasa alert level 4 pa ito.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa agenda na sa pulong ng IATF ang kahilingan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines na magbukas na sila ng operasyon.

Pero sinabi ng kalihim na hindi uubra sa alert level 4 ang hirit na magbukas ng mga sinehan kundi ito ay ikunsidera sa alert level 3.

SM food to go Banner Ad

“Ang alam ko nasa agenda na `yan mamaya ng IATF pero ang pagbubukas napag-uusapan ay level 3 hindi po level 4,” ani Roque.

Umapela ang samahan ng mga sinehan na payagan na silang magbukas ng operasyon dahil marami na rin naman umano ang bakunado sa Metro Manila at maitururing din naman silang essential industry.

Bukod dito, nag-apply na rin naman ang asosasyon ng safety seal at nangakong susunod sa mga safety protocol na ipinatutupad ng gobyerno laban sa COVID-19. na ipinaiiral ng gobyerno laban sa COVID-19.(Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.