Abante Tonite Interactive

Pagcor iwas COVID-19: ‘Di na pipila, sa drop box na lang

0 143

Ipinatupad ng Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang ‘no contact application’ para maiwasan ang paglaganap ng nakakahawang mga sakit tulad ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pagtanggap ng mga kahilingan para sa ayudang pinansiyal at medikal.

Epektibo noong Peb­rero 10, 2020 ang bagong polisiya na ito ng Pagcor.

Nabatid na sa halip na pumila upang isumite ang mga kinakailangang dokumento para sa tulong pinansyal at medikal, maaari na lamang isumite ang mga requirement sa drop box na matatagpuan sa lobby ng Pagcor Corporate Annex sa 1105 United Nations Avenue, Ermita, Maynila.

Ang mga pasyente na magsusumite sa pamamagitan ng Pagcor drop box ay makakatanggap ng text message upang malaman nila ang status ng kanilang hinihinging tulong.

Sinabi pa ni Pagcor Vice President for Corporate Social Responsibility Jimmy Bondoc na kahit ipinatutupad na ang bagong polisiya ay patuloy nilang bibigyan ng prayoridad ang medical request ng mga pasyenteng sumasai­lalim sa chemotheraphy at dialysis. (Juliet de Loza-Cudia)