Abante Tonite Interactive

PAGCOR nagbabala sa transaksyon sa gobyerno

69

Nagbabala ang Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na indibidwal na gumagamit sa ahensya para manloko.

Kamakailan lamang ay nakatanggap ang mga top exe­cutive ng PAGCOR ng ulat hinggil sa paggamit ng mga pekeng PAGCOR check may peke ring pirma mula sa mga supplier na nagtatanong ng pagdedeli­beran ng goods na diumano’y ni-request ng mga opisyal ng PAGCOR.

Ang mga nasabing order ay natuklasan kalaunan ay ginawa sa pamamagitan lamang ng telepono ng taong nagpanggap na opisyal ng PAGCOR.

Pagbibigay-diin ng PAGCOR, ang lahat ng transaksyon ng ahensya ay dumadaan sa bidding at hindi ginagawa sa pamamagitan ng telepono.

Direkta at personal ang ginagawang tran­saksyon sa mga supplier.