Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAGCOR P2B nilaan sa paggawa ng evacuation center

0 87

May P2 bilyong nilaan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa konstruksyon ng mga multi-purpose evacuation center (MPEC) sa mga probinsya na madalas tamaan ng bagyo.

Bahagi umano ito ng pangmatagalang tugon ng pamahalaan sa climate change, na tinuturo ring dahilan ng sunod-sunod na bagyong humagupit sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo nakapaglaan pa rin ang ahensya ng nasabing halaga sa kabila ng kawalan ng kita dulot ng suspensyon sa operasyon ng mga laro at mahigpit na community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic. Aniya, “The Filipinos have suffered a lot this year – from the global pandemic to a series of destructive typhoons. Hence, despite our revenue losses, we have committed to provide a long-term solution to the most vulnerable sectors and communities.”

Dagdag niya, nais umano nilang mapunan ang kakuhalangan sa mga evacuation center. Kabilang sa mga inisyal na inaprubahan ang 32 MPEC na itatayo sa 31 site tulad ng Albay, Aurora, Batangas, Camarines Sur, Capiz, Ilocos Sur, Laguna, Mountain Province, at Marikina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.