Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagcor pinasimulan OFW Hospital

0 96

Pinangunahan ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chairperson at chief executive officer Andrea Domingo ang pagsisimula ng itatayong OFW Hospital sa Pampanga na mayroong 100-bed capacity.

Itatayo ang ospital sa may dalawang hektaryang lupain mula sa provincial government ng Pampanga. Magkakaroon ng katuparan ang pagpapagawa ng OFW Hospital sa tulong na rin ng P500 milyong donasyon mula sa Bloomberry Cultural Foundation Inc. (BCFI) na itinatag ng operator ng Solaire Resort and Casino.

Ayon kay Domingo, matagal nang nagtutulungan ang Pagcor at mga licensee nito para sa ikabubuti ng bansa.

Sa wakas, aniya, matutupad na rin ang kauna-unahang “modern and state-of-the-art health facility” na para sa pangangalaga at mga medikal na pangangailangan ng mga overseas Filipino worker.

Inihayag naman ni BCFI president Donato Almeda na ang pagpapatayo ng naturang ospital ay isang paraan nila ng pagpapasalamat sa mga OFW.

Leave A Reply

Your email address will not be published.