Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAGCOR pinuri sa bilis umaksiyon

0 44

Nakatanggap ng papuri ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kamakailan mula sa 8888 Citizens’ Complaint Center dahil sa ‘complete and timely action’ nila sa iba’t ibang alalahaning inilapit sa kanilang ahensiya.

Sa isang liham na pinadala kay Chairman at CEO ng PAGCOR na si Andrea Domingo, sinabi ni Director Bernadette Casinabe, 8888 Citizens’ ‘Complaint Center head, na umabot sa 46 citizens concerns ang idinulog sa PAGCOR mula Hunyo 30, 2021, kung saan walang paltos naman anila itong naaksiyunan.

“We would like to commend your efforts in ensuring that all citizens concerns referred to your office are acted upon on time,” sambit ni Casinabe.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang aniya sa mga alalahaning tinukoy at matagumpay na natugunan ng state-run gaming firm ay may kaugnayan sa integrity, funding, policy assistance, medical, social services, employment and commendations.

Ang 8888 Citizens’ Complaint Center ay itinatag upang magsilbing isang mekanismo kung saan maaaring idulog ng mga mamamayan ang kanilang mga reklamo at hinaing hinggil sa red tape, sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9485, o katiwalian ng anumang national government agency, government-owned and controlled corporation, government financial institution at iba pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.