Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagcor tuloy tradisyon sa paghandog ng regalo

0 177

Hindi mapipigil ng pandemya ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa paghahandog ng regalo ngayong Kapaskuhan.

Sa tema nitong ‘Tuloy ang Pasko’ inorganisa ng Pagcor ang limang araw na gift-giving activity sa higit 9,000 indibidwal mula sa nangangailangang sektor. Kabilang sa mga benepisyaryo ng noche buena at grocery item mula sa ahenya ang 2,000 senior citizen sa Pasay at Parañaque City.

Ayon kay Pagcor Chairman Andrea Domingo, ang taunang event ng ahensya ay paraan umano para makapagpaabot ng tulong sa mga nangangailangan.

“We are happy that despite the pandemic and the challenges it brought upon the gaming industry, we are still able to contribute and spread joy to those who need our help the most. Tuloy and Pasko sa kabila ng mga pagsubok na ating kinakaharap,” sabi ni Domingo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.