Abante Tonite Interactive

Pagdalaw ni Arjo kay Maine binuking ni Pokwang

994

Mabait at babaeng bakla rin si Maine Mendoza kagaya niya. ‘Yun ang sabi sa amin ni Pokwang, kaya hindi raw ito mahirap pakisamahan.

Nakatrabaho ni Pokie si Menggay for the first time sa MMFF entry ni Vic Sotto this year na “Mission Unstapabol: The Don Identity”.

“Hindi ko nga alam kung paano niya nagagawa ‘yung ganu’n. Kasi, nagkasabay ‘yung movie niya with Carlo (Aquino) dito with Bossing.

“Sabi ko, ‘Bilib ako sa batang ‘to, dumarating naman talaga sa tamang oras ng calltime niya.’ Grabe siya, paano niya nagagawa ‘yon? Pero never ko siyang nakitang nagta-tantrum sa set,” bulalas ni Pokwang.

Eh nag-a-abroad pa nga si Maine, ‘di ba? Kasama ang boyfie nitong si Arjo Atayde.

Hindi ba nakaapekto sa shooting nila ‘yung mga biyahe na ‘yon ni Maine sa abroad with Arjo?

“Hindi naman, hindi. Parang sumaglit lang siya. Parang may dinala lang yata and then, umalis na.”

Dumadalaw ba si Arjo sa set ng “Mission Unstapabol”?

“Once. Once, nakita ko siya.”

Gaano ka-sweet ang ArMaine sa set?

“Hindi ko na nakita, kasi iba ‘yung standby area, eh. Basta, nasalubong ko lang si labs (Arjo). ‘Uy, nadalaw ka!’ chuchu.”

Ani Pokie, hindi raw sila nagkakuwentuhan ni Maine tungkol sa lovelife nito. Multo raw ang napagtsikahan nila dahil ang hilig-hilig daw ni Maine sa kuwentuhang multo.

In fairnesss, may naturalesa raw si Menggay pagdating sa comedy, sey ni Pokie.

“Kasi siya (Maine), hindi niya sinasabing ang galing-galing na niyang mag-comedy. Minsan, makikita mong nag-o-observe siya.

“Tapos, ‘pag may binitawan siya, bilang natural na natural lang ang bato, ‘yun ang nakakatawa, ‘yung natural na reaksyon niya,” papuri pa ng komedyana sa co-star niya sa Pamaskong handog ng APT Entertainment at M-Zet Productions na “Mission Unstapabol: The Don Identity”.

Megan sinalba ang kabaduyan ng Miss World

Ang lakas ng baduy factor ng Miss World 2019 pageant na ginanap sa ExCeL, London.

69 years na ang nasabing beauty pageant, na kumbaga sa tao ay senior citizen na ito. Tila mga senior din ang nagpapatakbo ng show kaya mukhang pinaglumaan ng panahon ang kinalabasan nito.

Ang layo ng glitz and glamour ng Miss Universe ang Miss World, na parang pinagsamang barangay contest at school program kapag sine-celebrate ang United Nations.

Sa opening pa lang, sa halip na magpakilala isa-isa habang nirarampa ang kanilang national costume ay pinagsayaw ang mga pobreng kandidata.

Ang sagwa ng segment na ‘yon, na halatang karamihan ay napipilitan lang sumayaw kaya awkward ito at nakaka-torture panoorin.

Ang tigas ng katawan ng kandidata nating si Michelle Dee at tila hindi niya alam kung paano sasayaw gamit ang hawak niyang pamaypay.

First impression pa lang sa Miss Philippines ay na-feel na naming maliligwak ito, buti na lang ay pumasok siya sa 12 semifinalists.

Sa casual interview ay mukhang lowbatt si Michelle at tila may jetlag kaya kulang sa energy. Ayun, laglag siya sa Top 5.

Nabigong makasungkit ng titulo ang 23-year-old daughter ni Miss International 1979 Melanie Marquez. Sa height pa lang ay kulang na si Michelle at hindi nito namana ang pagiging long-legged ng kanyang supermodel mom. Iba talaga ang original.

So, gaya ni Gazini sa Miss U ay Lotlot din tayo sa Miss World, na nagmistulang concert o musical variety show sa dami ng kantahan.

Ang nagwaging si Miss Jamaica ay ilang beses pinakanta. Porke nanalo siya sa talent competition ay parang pinagtrabaho si Jamaica, na pagsagot pa lang sa Q&A alam na naming siya ang winner.

Tulad ni Miss South Africa na nanalo sa Miss U, mahusay ring sumagot si Jamaica. Ganu’n na talaga ang mga beauty pageant ngayon, mas importante na ang utak kesa sa itsura.

Agaw-eksena ang hitad na si Miss Nigeria nu’ng i-declare na winner si Jamaica. Akala mo ay ito ang nanalo sa sobrang OA ng reaksyon nito.

Ang nag-iisang Miss World ng ‘Pinas na si Megan Young ang saving grace ng nakakabugnot at nakakaalibadbad na Miss World 2019 pageant.

Bukod sa very queenly ay gandara at glamorosa si Megan, tapos ay ang galing pa nitong mag-host. Dahil sa kanya ay natagalan namin ang panonood ng kachipang programa.

Salamat, Megan! PAK!!