Abante Tonite Interactive

Barangay ko, linis ko!

By
591

Maligayang Araw ng mga Puso sa lahat.

Sana ay ipagdiwang ng bawat isa sa atin ang isa sa pinakaaabangang selebrasyon sa ating bansa, hindi lang ng mga mag-partner kundi ng bawat isa sa atin.

Ngayong linggo ay nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga aktibidad sa aming lungsod ng San Juan.

Kamakailan lamang ay aking inumpisahan ang isang proyekto patungkol sa pangangalaga ng ating kapaligiran, ang Barangay Ko, Linis Ko.

Ito ay aking proyekto sa pakikipagtulungan ng San Juan City Environment and Natural Resources Office of CENRO at iikot sa lahat ng barangay sa lungsod ng San Juan.

Narito ang ilan sa mga paalala sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating kapaligiran ‘di lamang para sa mgataga-San Juan, ngunit para sa ating lahat:

I-practice ang paggawa ng 3R: Reduce, Reuse, and Recycle.

Huwag magtapon ng basura kung saan-saan.

Ugaliing paghiwalayin ang mga basurang nabubulok sa di nabubulok.

Bawasan ang paggamit ng mga plastic, bagkus, ugaliin ang paggamit ng mga reusable bags.

Makiisa sa mga programa patungkol sapangangalaga sa kapaligiran.

Laging pakatandaan na iisa lang ang ating Inang Kalikasan, kaya marapat na siya ay ating alagaan.

At ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan, ay mahalaga sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan.

Sa kabilangbanda, aking inaanyayahan ang lahat na makiisa at dumalosa Pre-Valentine Concert 2018. Ito ay aking proyekto kaiisa ang aming butihing Mayor Guia Gomez, saTanghalan ng Masa, N. Domingo Street, San Juan, sa ika-13 ng Pebrero 2018, 6pm. Ito ay pagtatahalan ng 1:43 Band, ni Juris, at ni Joey G.

May mga ilangsorpresa ring kaabangan. Magkita-kita po tayong lahat!