Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan 14th sa Daly

0 14

Nagsumite si Bianca Isabel Pagdanganan ng one-under par 71 upang humalo sa 16-way tie sa 14th spot, anim na palo ang layo kay solo leader Leona Maguire ng Ireland na may 65 sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 14th leg $1.8M 3rd LPGA Mediheal Championship opening round sa Lake Merced Golf Club sa Daly City, California Huwebes (Biyernes sa Maynila).

May one stroke edge ang Irish na former world amateur No. 1 kay Thai Jasmine Suwannapura (66) kasunod sina Swiss Albane Valenzuela at home bet Alison Lee na may identical 68s sa 142-player event.

Ang isa pang pambato ng ‘Pinas at ICTSI din na si Dottie Ardina, may five-over par 77 upang mapabilang sa 15 nasa 113th. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.