Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan 70 ang opening

0 107

Ungos ng isang palo kina ICTSI teammates 2020 Tokyo Olympic-bound Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 16th leg $1.5M (P73M) 9th Volunteers of America Classic first round sa Old American Golf Club sa The Colony, Texas Huwebes (Biyernes sa Maynila).

Sa apat na birdie at dalawang bogey, nagsalpak ang 31-year-old US-based Pinay shotmaker at two-time leg 2016 Symetra Tour champion, ng two-under par 69 upang humanay sa 17-way tie para sa 33rd place sa 138-player event.

Pumalo naman sina Pagdanganan ng Quezon City at Ardina ng Canlubang, Laguna ng 70s para mapabilang sa 21 na magkakatabla sa ika-50 puwesto.

Six strokes down si Guce kay solo leader Jin Young Ko (63), na abante ng isang palo sa kapwa Koreanang sina Jeongeun Lee at In Gee Chun na may identical 64s. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.