Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan Abril papalo

0 95

Nakatakda nang lumarga ang 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 first full-field event, ang Gainbridge LPGA ngayong Huwebes (Biyernes sa ‘Pinas) sa Orlando, Florida, pero malamang na sa gitna pa ng Abril makaaksiyon ang longest hitter ng nagdaang taon na si Bianca Pagdanganan.

Puwede ring umasa ang 23-year old Pinay golf star sa next week’s LPGA Drive On Championship sa Golden Ocala, pero may kalabuan din at malamang na sa Lotte Championship sa mid-April na ang maging debut niya bilang second rookie season.

Ito’y sanhi ng 2021 playability rules na gaya 2020 annual priority list para sa mga kalahok bawat lingo. February 7 pa bumalik ng US si Pagdanganan na nag-average ng 283.07 yards sa 10 niyang torneo noong July-December. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.