Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan, Ardina lalagare sa 2nd round

0 59

Bigong makawasak sina 2020+1 Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina ng par sa pagsisimula ng 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 24th leg, $1.4M (P70.5M) 28th Cambia Portland Classic sa Oregon Golf Club sa West Linn City, Portland nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Binuslo ng 23-taong-gulang, may taas na 5-4 at tubong Quezon City na si Pagdanganan ang two-over par 74 upang masama sa pitong magkakabuhol sa pang-56 na puwesto, samantalang nagsalpak si Ardina, 27, 5-2 mula sa Canlubang, Laguna at tinatangkilik din ni ICTSI, ng 75 para sa 15-way tie sa 63rd place.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Iwan ng anim na palo si Pagdaanganan at pito si Ardina sa mga co-leader na sina Gemma Dryburgh ng Scotland, Carlota Ciganda ng Spain at Pajaree Anannukarn ng Thailand na may mga identical na four-under par 68.

Kaya kailangang kumayod sa second round ng dalawang pambato ng ‘Pinas upang makaabante sa weekend play ng 131-player, 72-hole stroke play, four-day event. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.