Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan, Ardina titirada

0 56

Dalawa lang sa pamamagitan nina 2020+1 Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina ang magiging bet ng ‘Pinas sa 144 na maglalabo-labo sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 24th leg, $1.4M (P70.5M) 28th Cambia Portland Classic sa Oregon Golf Club sa West Linn City, Portland na magbubukas sa Huwebes (Biyernes sa ‘Pinas).

Nabigo si Abegail ‘Abby’ Arevalo na makakuha ng isa dalawang slot sa 18-hole Monday qualifier (Martes sa Manila) sa nasabi ring playing venue nang mag-79 para sa joint 13th spot. Ang dumale ng ticket ay sina Gabriela Ruffels ng Australia at Alyaa Abdulghany ng Malaysia na mga naka-71.

Huling nagkasabayan ang dalawang Pinay shotmaker s na parehong kinakalinga ang maga kampanya sa abroad ng ICTSI, sa isang leg ng world’s premier ladies circuit sa Dow Great Lakes Bay Invitational noong July 14-17 sa Michigan.

Lumapag doon si Pagdanganan sa 12th place tie samantalang si Ardina ay sa 35th tie rin. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.