Pagdanganan balik-palo

Nakatakdang buksan Huwebes ng umaga (gabing oras sa Pilipinas) ni Bianca Pagdanganan ang kampanya sa Pelican Women’s Championship ng 71st USA Ladies Professional Golf Association (LPGA) 2020 sa Pelican Golf Club sa Belleair, Florida.
Hangad ng 23-year-old, Pinay rookie pro mula sa Quezon City na mapantayan hindi man mahigitan ang third place finish sa LPGA Drive On Championship – Reynolds Lake Oconee noong Oktubre 26 sa Georgia.

Iyon ang pinakamataas niyang tinapos sa anim na torneo sa world’s premier circuit na nagpa-qualified
din sa kanya sa 75th US Women’s Open sa papasok na buwan sa Houston. (Ramil Cruz)