Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan bumawi

0 227

Nakarekober si Bianca Pagdanganan sa napipintong mala-bangungot na opening round, tumirada ng one-over 73 upang humilera sa 14 na nasa ika-45 puwesto, sa 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Gold Course ng Tiburón Golf Club sa Naples, Florida nitong Huwebes, na pinangungunahan ni American Lexi Thompson.

SM food to go Banner Ad

Desididong bumawi ng Philippine No. 2 player sa 18th at final event na ito ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 pagkaraang malagot ang eight straight cuts made sa 75th US Open nitong Lunes.

Bumira ang reigning world No. 11 at 25-year-old US bet ng eight-under 65 para sa one-stroke lead kay Nana Koertstz Madsen ng Denmark (66). Bumuntot na may 67s sina American Megan Khang, defending champion Kim Sei-young at German Caoline Masson. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.