Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan dausdos sa ika-40

0 20

Walang nakitang solusyon si Bianca Pagdanganan sa backnine na may dalawang birdie pero nabahiran ng tatlong bogey bukod pa sa isa sa frontside pa-36-36 o 72 pa-four-over 214 at mahulog sa nine-way tie para sa 40th place sa penultimate playdate ng $1.5M 11th Pelican Women’s Championship 2020 sa Pelican Golf Club sa Belleair, Florida nitong Sabado (Linggo, Manila time).

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya wala ng tsansa titulo ang Pinay rookie pro sa pagkaiwan na ng 18 strokes kay two-day solo leader at world No. 2 Sei Young Kim ng South Korea na may mainit 64-196, pinalawig sa lima ang bentahe sa humihinga pa rin sa batok niyang si American Ally McDonald (68-201).

Ang torneo ang 15th leg ng may 18 walong yugtong 71st US Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 na tinamaan ng pandemya para mapurnada ang 17 iba pang bahagi nito. (Aival Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.