Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan kumpiyansa sa Drive On

0 93

Tiwala si United States Ladies Professional Golf Association Tour rookie Bianca Pagdanganan na makakapagsumite ng isa pang best finish sa 1st LPGA Drive On Championship-Reynolds Lake Oconee 2020 sa Great Waters Course sa Greensboro, Georgia na nakatakdang sumambulat sa Huwebes (Biyernes sa Maynila).

Muling ipapakita ng 22-anyos na Pinay na tubong Quezon City ang driving skills at short game niya na hinasa niya habang pahinga ang 71st LPGA Tour 2020 makaraan ang pinakamataas na tinapos sa pitong torneo, unang majors pa, sa 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Newtown Square, Pennsylvania nitong Oktubre 8-11.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ka-No. 10 flight ng reigning Philippine No. 2 sa ala-1:10 nang hapon sina Linnea Johansson ng Sweden at Matilda Castren ng Finland na, kakakampeon lang sa 1st Mission Inn Resort and Club Championship ng 15th Symetra Tour 2020 sa Florida nitong Oct. 15-17 via wire-to-wire.

Kabilang sa elite field na karibal ni Pagdanganan rito sina world No. 5 Daniella Kang at fellow Americans Lexi Thompson at Hall of Famer Juli Inkster, at bagong koronang reyna sa 44th British Women’s Open na si Sophia Popov ng Germany. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.