Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan magpapainit

0 209

Magwa-warm up si Bianca Pagdaganan para sa $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa darating na December 10–13 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas.

Kaugnay ito nang pagpalo ng 23-year-old Pinay rookie pro sa 16th leg ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 – ang 8th Volunteers of America Classic 2020 sa The Colony, Texas din sa Dec. 3-6 (4-7 sa ‘Pinas).

Ito na ang pang walong torneo sa taong ito ng Quezon City native na lahat ay napasahan niya sa cut kabilang ang joint ninth sa LPGA Tour major, ang Women’s PGA Championship sa Pennsylvania noong October na nagkaloob sa kanya ng silya sa US Open. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.