Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan may laban sa Olympics

0 224

Big time pa talaga ang four-way ninth place finish ni Pinay golf star Bianca Pagdanganan sa 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Newtown Square, Pennsylvania nitong Oktubre 8-11.

Ang senaryo’y nagbigay sa 22-year-old, Quezon City native rookie pro ng $84,765 (P4M) paycheck, slot sa mayamang $5.5M 75th U.S. Women’s Open 2020 sa Houston, Texas na naurong sa December 10-13, sa $1.3 million Drive On Championship-Reynolds Lake Oconee sa Oct. 22-25 sa Greensboro, Georgia

Related Posts
SM food to go Banner Ad

at pag-angat sa record na 478 hakbang sa world women’s golf ranking – mula 712th pa-234th.

Isa pa, pinalitan niya sa No. 2 female player ng ‘Pinas si Dottie Ardina sa world at Olympic ranking, pasok si Pagdanganan sa No. 47 spot sa latest Olympic rating sa top 60 lalaro para sa 32nd Summer Games 2021 sa Tokyo, Japan. Napunta si world No. 312 Ardina sa Olympic No. 54.

Si Fil-Japanese Bulacan native rookie newbie Yuka Saso, 19, sa bisa ng dalawang korona sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan, ang No. 1 pa rin sa bansa, world No. 74 at nasa top 30 sa Olympic race. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.