Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan nangulelat

0 147

Sinara ni Bianca Pagdanganan ang kampanya sa 8th Volunteers of America Classic 2020 sa Old American Golf Club sa The Colony, Texas nitong Linggo sa six-over 77 para sa 21-over 305 at umupo sa hulihan o ika-76 na pinamayagpagan ni American Angela Stanford via two strokes sa 67-277.

Nabiyayaan pa rin ang Pinay rookie pro ng $3,214 (P154K) sa worst finish niya walong event sa 71st Ladies Professional Golf Associatiopn (LPGA) Tour 2020, sa patuloy niyang napapasahang cut lahat na torneo.

SM food to go Banner Ad

Nagkamal si Stanford ng $262,500 (P12.6M) samantalang may $120,709 (P5.8M) each ang nasa triple-tie sa second spot na sina So Yeon Ryu at Inbee Park ng kapwa South Korea at Yealimi Noh ng Estados na may identical 279 pagkaraan ng 67 at 70s, ayon sa pagkakasunod.

Pahinga lang ng apat na araw si Pagdanganan bago sila lumaban ng galing 53rd LPGA of Japan Tour 2020 campaigner Yuka Saso sa $5.5M 75th US Women’s Open sa Champions Golf Course sa kalapit na Houston sa December 10-13. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.