Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan P267K sinubi

0 72

Sumungkit ng gantimpalang $5,249 (P267K) si 2020+1 Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdanganan sa tatlong torneong sinabakan at pagpasok lahat sa finals sa pagbaba ng kurtina ng 20-leg 16th Symetra Tour 2021 sa Florida nitong Linggo.

Nagkamal ang 23 taong-gulang, 5-4 ang taas na Pinay shotmaker mula sa Quezon City at kinakalinga ng ICTSI, ng $3,140 (P159K) sa joint 8th place sa ‘Road the the LPGA Tour’ 16th leg $200K (P10M) 1st Circling Raven Championship sa Idaho noong Aug.27-29.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May $1,061 (P53K) si Pagdanganan sa 7-way tie sa 34th place sa 2nd leg $150K (P7.6m) 6th IOA Championship sa California nu’ng Mar. 26-28, at naka-$1,048 (P52K) sa 45T sa 8th leg $200K (P9.6M) 8th Mission Inn Resort and Club Championship sa Florida May 28-30.

Hiwalay pa ito sa mga kita ng dalaga sa mas mayamang 72nd Ladies Professional Golf Association 2021 Tour na binuksan noong January at matatapos sa November. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.