Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan palabang pumangatlo, naka-P4M

0 132

Kumakasang tumersera si Bianca Pagdanganan upang kumita ng ikalawa niyang P4M ($83,557) sa loob ng dalawang linggo sa pagtiklop ng 1st LPGA Drive On Championship-Reynolds Lake Oconee 2020 sa Great Waters Course sa Greensboro, Georgia nitong Linggo (Lunes sa Maynila).

Nagsumite ang 5-foot-4, 22-year Quezon City native ng two-under 70 para sa 12-under 274 sa paghinga sa batok nang nagdiwang ng ika-28 kaaarawan sa pagkopo ng una niyang korona sa limang taong pagkampanya sa Ladies Professional Golf Association Tour na si wold No. 62 American Ally McDonald (69-272, $195K).

SM food to go Banner Ad

Sumegunda ang nanalo ng dalawang leg ng 71st LPGA Tour 2020 nitong Agosto at reigning world No. 5 Danielle Grace Kang ng host country rin (68-273, $115,184) sa torneong nagsilbing 14th leg sa taong ito ng world premier circuit.

Ang performance ng world No 233 Pinay rookie pro na si Pagdanganan ang best finish niya sa anim na torneo sa LPGA, nilampasan ang T9 sa major, 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Newtown Square, Pennsylvania nitong Oktubre 8-11 kung saan nabiyayaan din siya ng $83,765. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.